April 16, 2026 | News by PISD

๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐ข, ๐๐ป๐ฐ. ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ช๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ฟ๐ธ๐ ๐๐ผ๐ฟ๐ฝ., ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐-๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฟ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฏ๐ถ๐ด
16 Abril 2026, Lungsod ng Calapan โ Isa-isang sinagot ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) Inc. at Calapan Waterworks Corporation ang mga katanungang may kinalaman sa serbisyong pangkuryente at tubig sa lalawigan sa ginanap na Kapihan sa Oriental Mindoro ng Philippine Information Agency-MIMAROPA ngayong araw.
Dito, binigyang-diin ni ORMECO Inc. General Manager Humphrey A. Dolor na malaki ang epekto ng pagtaas ng konsumo sa suplay ng kuryente sa lalawigan.
Aniya pa, ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ay hindi nila pansariling kagustuhan sapagkat ito ay bunga ng mga pagkakataong nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng gasolina at iba pang energy source na bunsod ng mataas na pagkonsumo.
Sa ganitong sitwasyon, napipilitan sila umanong kumuha ng suplay mula sa ibang supplier na hindi saklaw ng kanilang kontrata, na karaniwang may mas mataas na halaga. Dahil dito, nagkakaroon ng karagdagang gastos upang matiyak na tuluy-tuloy ang serbisyo ng kuryente.
Gayunpaman, tiniyak niya na patuloy ang pagsisikap ng ORMECO sa pagsasagawa ng mahahalagang hakbang upang maiwasan ang power interruption o brownout tulad na lamang ng pagpapasok ng karagdagang planta.
Binigyang-linaw rin niya na walang kinalaman ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapatupad ng Subsidized Approved Generation Rate (SAGR) sa mga commercial at industrial consumers sapagkat ito ay pinagdedesisyunan ng Energy Regulation Commission.
Samantala, binigyang-linaw naman ni Calapan Waterworks Corporation General Manager RJ Cleofe Landicho na ligtas inumin ang tubig na kanilang isiniserbisyo sa nasabing lungsod at pasado umano ito sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW).
Aniya pa, ang mga nararanasang pag-iiba sa kulay ng tubig na lumalabas sa gripo ay bunga lamang umano ng water pressure na nabubuo sa loob ng tubo sa mga pagkakataong napapasukan ito ng hangin.
Patuloy rin umano ang kanilang pagsasaaayos ng online payment system, mga tangke at iba pang water source upang makapagbigay ng sapat na suplay ng tubig at mas maging maalwan ang kanilang serbisyo sa mga Calapeรฑos.
