April 16, 2026 | News by PISD

𝗡𝗮𝗻𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗰𝗲𝗻𝗰𝗶𝗮 𝗬𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝟭𝟬𝟬 𝘁𝗮𝗼𝗻
Bilang gantimpala sa mahaba at mabiyayang buhay ni Nanay Pacencia Ylagan ng Barangay Wawa, Pinamalayan, personal na iniabot ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang Php. 100,000 ngayong ika-16 ng Abril.
Makalipas ang 100 taon, ipinagdiriwang ng pamilya ni Nanay Pacencia ang biyaya ng buhay na patuloy na ipinagkakaloob ng Panginoon. Dahil dito, ginawaran ni Gobernador Bonz kasama si Bise-Gobernador Antonio S. Perez Jr. ng plake ng pagkilala at pinansyal na insentibo si Nanay Pacencia sa pagiging centenarian.
Hindi lamang siya naging ina ng kanyang walong (
mga anak kundi pati na rin ng kanilang barangay, matapos siyang magsilbi bilang kauna-unahang babaeng punong barangay sa kanilang lugar noong 1982 hanggang 1984.
Naibahagi naman ng kanyang panganay na anak na si Nanay Emelita Dela Vega na simple lamang ang kanilang pamumuhay noon. Paborito aniya ni Nanay Pacencia ang gulay lalo na kung ito ay may sabaw.
Higit sa lahat, ang pinakamahalagang pamana aniya ni Nanay Pacencia sa lahat ng kanyang mga anak ay ang edukasyon. Ipinagmalaki niya na silang lahat na magkakapatid ay napatapos ng kanilang magulang sa pag-aaral hanggang kolehiyo. Ang ilan sa kanila ay lisensyadong guro, commerce, nurse, dentist at inhinyero.
Bagaman at tila hindi na tuwirang maalala ni Nanay Pacencia ang mga bagay na ito, nananatili naman itong mahalagang alaala at bahagi ng pagiging isang responsableng ilaw ng tahanan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/17XgFL6wdf/?mibextid=wwXIfr
