April 16, 2026 | News by PISD

๐ ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐๐-๐ข๐ฟ๐ ๐ถ๐ป. ๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ, ๐ป๐ฎ๐ป๐๐บ๐ฝ๐ฎ
16 Abril 2026, Lungsod ng Calapanโ Nanumpa na ang bagong hanay ng mga opisyal, board of directors at miyembro ng Philippine Institute of Civil Engineers (PICE), Inc. – Oriental Mindoro Chapter para sa CY 2026 na ginanap sa Brgy. Pachoca, Calapan City.
Sa kanilang 32nd Induction and Oath-taking Ceremonies, pormal na ipinasa ni 2025 PICE Oriental Mindoro Chapter President Engr. Aida Malubay ang Presidential Leadership Emblem kay Provincial Engr. Edylou B. Tejido bilang bagong pangulo ng samahan.
Samantala, ipinahayag naman ni Gobernador Humerlito โBonzโ Dolor ang malaking kontribusyon ng PICE at mga inhinyero sa progreso ng Oriental Mindoro sa pamamagitan ng pagiging bahagi sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga mahahalagang proyektong pang-imprastraktura.
Tiniyak din niya ang kaniyang buong suporta sa bagong pamunuan bilang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng patuloy na kaunlaran, kasabay ng panawagang pagpapanatili ng serbisyong tapat, may integridad at may malasakit.
Samantala, iginawad ang Presidential Citation sa mga dating Pangulo ng PICE-Oriental Mindoro Chapter sa nakalipas na 31 taon mula 1994 hanggang 2025.
Kinilala rin ang mga naging opisyal ng SY. 2025-2026 Divine Word College of Calapan (DWCC) at John Paul College (JPC) Student Chapter Officers.
Tinanggap naman nina 2026 DWCC Chapter President Leslee Ann B. Borbon at JPC Student Chapter President Rachel Angela S. Yamog ang Presidential Leadership Key bilang mga bagong pangulo nito.
Pinangasiwaan ng mga kawani ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Provincial Tourism Officer Dr. Dhon Stepherson Calda ang programa.
Nagpakita ng suporta sa gawain sina Vice Governor Atty. Antonio S. Perez, Jr., Bongabong Mayor Mike Malaluan, Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II, Chief of Staff Maria Nenita Dalupan, at Executive Assistant IV Jose Maria Dalupan.
