Bagong RTC Branch 180 – Mas abot kamay na pagproseso sa Hustisya

April 16, 2026 | News by PISD

BAGONG RTC BRANCH 180 – MAS ABOT KAMAY NA PAGPROSESO NG HUSTISYA

16 Abril 2026, Bongabong – Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos at abot-kamay na hustisya sa Southern Oriental Mindoro ang isinagawa sa pamamagitan ng Ceremonial Signing and Inauguration of the Court House of Regional Trial Court Branch 180 sa Bayan ng Bongabong.

Ang bagong hukuman ay magsisilbi sa mga taga-Bansud, Bongabong, at Gloria at magpapalapit sa serbisyong panghukuman sa mga ito.

Ayon kay Mayor John Michael K. Malaluan, malaki ang maitutulong ng proyektong ito sa kanilang nasasakupan dahil hindi na kinakailangang bumiyahe pa ng malayo ang mga residente patungong Pinamalayan upang asikasuhin ang kanilang mga usaping legal.

Dagdag pa rito, inaasahang magdudulot ang bagong korte ng mas mabilis na proseso at mas madaling akses sa hustisya para sa bawat Oriental MindoreƱo.

Kabilang sa mga sumaksi sa gawain sina Supreme Court Deputy Court Administrator for Operations Leo T. Madrazo, Regional Court Manager IV-B William A. Beluso, Jr., Second Judicial District Executive Judge Erwin Y. Dimayacyac, Bongabong Sangguniang Bayan Members, 2nd District Representative Alfonso Umali, Jr., 2nd District Board Member Pau Umali, Bansud Mayor Ronaldo Morada, Gloria Mayor Teresita Ong at iba pa.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DfnXjqf67/

Scroll to Top