PDRRMO, nagbigay ng tulong sa apat na pamilyang nasunugan sa Baco

April 15, 2026 | News by PISD

April 15, 2026

PDRRMO ORIENTAL MINDORO | RELIEF ASSISTANCE

Muling namigay ng tulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa apat (4) na pamilyang nasunugan sa bayan ng Baco noong Abril 14, 2026.

Ang tulong ay ipinaabot sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa MDRRMO Baco upang matiyak ang agarang pagresponde at suporta sa mga apektadong pamilya.

Patuloy ang panawagan sa publiko na maging maingat, lalo na sa panahon ng matinding init na maaaring magdulot ng sunog.

MGA PAALALA:

• I-check ang electrical wiring ng bahay

• Iwasan ang overloading ng saksakan

• Huwag mag-iwan ng nakasinding apoy

• Panatilihing ligtas ang mga bata laban sa posibleng sunog

Ang kaligtasan ay nagsisimula sa bawat tahanan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1B9JjLTbRJ/

Scroll to Top