Siyam na pamilyang apektado ng sunog sa Bulalacao, nabigyang-tulong ng PDRRMO

April 14, 2026 | News by PISD

April 14, 2026 || 12:30PM

🔥📢 PDRRMO ORIENTAL MINDORO | RELIEF ASSISTANCE

Nagpaabot ng tulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa siyam (9) na pamilyang nawalan ng tahanan dulot ng sunog na naganap sa Brgy. Campaasan, Bulalacao noong umaga ng Abril 6, 2026.

Ang pamamahagi ng tulong ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa MDRRMO Bulalacao upang matiyak ang agarang suporta sa mga apektadong residente.

🙏 Patuloy ang panawagan ng PDRRMO sa lahat na mag-ingat at maging mapagmatyag lalo na sa kasalukuyang nararanasang matinding init ng panahon na maaaring magdulot ng sunog.

⚠️ MGA PAALALA:

• Iwasan ang paggamit ng faulty electrical connections

• Huwag mag-iwan ng nakasinding kandila o kalan

• Siguraduhing naka-unplug ang appliances kapag hindi ginagamit

• Maging alerto sa anumang senyales ng sunog

💡 Ang pag-iingat ay susi upang maiwasan ang sakuna.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1854CBhquY/

Scroll to Top