April 14, 2026 | News by PISD

Batay sa datos mula sa DOST-PAGASA Southern Luzon, ngayong ika-14 ng Abril 2026, alas-2 ng hapon, nakapagtala sa Oriental Mindoro ng 36*C taas ng temperatura. Kaugnay nito, patuloy na pinag-iingat ang lahat mula sa masasamang epektong dulot sa kalusugan ng patuloy na pag-iral ng mainit na panahon.
