April 13, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Nagpakita ng buong-pusong suporta si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor sa Association of Calapeños USA International sa kanilang adhikaing makatulong sa mga nangangailangan matapos personal niyang makadaupang palad ang ilang mga miyembro nito ngayong ika-13 ng Abril.
Simula pa lamang noong 2007, aktibo at tahimik nang tumutulong sa mga Calapeño ang naturang grupo. Marami na silang napatapos sa pag-aaral at natulungan sa anumang kayang ipagkaloob ng kanilang samahan.
Sa loob ng 18 taon, patuloy pa rin sila sa kanilang layuning umagapay sa mga nangangailangan na siya namang hinangaan at sinaluduhan ni Gob. Dolor.
