80 natatanging Alumni ng DWCC, pinarangalan sa pagdiriwang ng kanilang ika-80 Anibersaryo

April 11, 2026 | News by PISD

𝟴𝟬 𝗡𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝗶, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗪𝗼𝗿𝗱 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟴𝟬 𝗮𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼

26 Abril 2026, Lungsod ng Calapan – Pinarangalan ng Divine Word College of Calapan( DWCC) Inc. ngayong ika-11 ng Abril ang 80 natatanging alumni nito bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng pagkakatatag ng institusyon.

Sa pangunguna ni Fr. Renato A. Tampol, SVD, PhD, kinilala ang mga dating mag-aaral na nagbigay ng mataas na karangalan sa paaralan mula sa kani-kanilang larangan.

Kabilang sa mga kinilala at pinarangalang alumnus si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor para sa kanyang natatanging ambag sa serbisyo-publiko.

Gayundin, tumanggap ng parangal sina Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor, dating Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Estrellita A. Dolor, First District Representative Arnan C. Panaligan, Calapan City Mayor Paulino Salvador C. Leachon, First District Board Member Ronalee Leachon, mga dating lider ng lalawigan at pinuno ng iba pang mga lokal na pamahalaan, at iba pang indibidwal mula sa iba’t ibang sektor na naging produkto ng DWCC na patuloy na gumagawa ng pangalan sa iba’t ibang propesyon.

Sa loob ng walong dekada, nananatiling matatag na pundasyon ang naturang paaralan sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon at sa paghubog ng mga indibidwal na may makabuluhang ambag sa lipunan.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/186kbqYof4/

Scroll to Top