25 hospital beds with mattresses mula sa AY Foundation, tinanggap ng Bulalacao Community Hospital

April 10, 2026 | News by PISD

10 Abril 2026, Bulalacao – Pormal nang tinanggap ng Bulalacao Community Hospital ang 25 hospital beds with mattresses mula sa Alfonso Yuchengco (AY) Foundation.

Ipinagkaloob ito sa pamamagitan ni Ms. Glori Marie M. Sy ng PAREB- Pasay-Makati Realty Board, Inc. (PMRB).

Pasasalamat sa inisyatiba ng PMRB ang ipinaabot ni Bulalacao Mayor Lumelito Cabagay. Malaking tulong ito, aniya, sa mga pasyente sa BCH.

Ayon kay BCH Chief of Hospital Dr. Josie Ann Marca, ang karamihan sa kanilang pasyente ay mga katutubo at malaking tulong ang pagkakaroon ng komportableng higaan na makakatulong sa paggaling ng mga pasyente.

Pasasalamat din ang kaniyang ipinaabot sa mga nagkaloob ng mga kagamitan para sa BCH.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CUtG5ExcE/

Scroll to Top