Pagsisiga o pagsusunog, mahigpit na ipinagbabawal lalo na ngayong panahon ng tag-init

April 8, 2026 | News by PISD

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: Ngayong tag-init, muling ipinapaalala ng Pamahalaang Panlalawigan na 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗣𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗚𝗔 o 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 lalo pa’t tuyo ang kapaligiran. Madaling magliyab ang mga tuyong damo at halaman na maaaring magdulot ng forest fire.

Bukod dito, malinaw din na labag ang gawaing ito sa probisyon ng Philippine Clean Air Act of 1999.

Inaanyayahan ang lahat na maging responsableng mamamayan at kaagad i-report sa kinauukulan kung may makitang insidente ng sunog upang kagyat na maagapan at hindi magdulot ng panganib sa buhay, kabuhayan at kapaligiran.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid08UmLP2TocBa82GxD25yVR5RnnjZMZUmwVPEYgik9e5PKhqw6TV8nzzXz4w4vFee2l

Scroll to Top