PDRRMO, nagsagawa ng inspeksyon sa bahagi ng kabundukan sa Baco na nasunog

April 7, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐——๐—ฅ๐—ฅ๐— ๐—ข, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ด

07 April 2026 โ€“Nagtungo ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Brgy. San Ignacio, Baco kaninang umaga upang inspeksyunin ang bahagi ng kabundukan sa nasabing lugar na apektado ng sunog na naganap noong ika-4 ng Abril.

Kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at lokal na pamahalaan ng Baco, nagpalipad ng drone ang nasabing tanggapan sa pinangyarihan ng insidente upang masuri nang mabuti ang naging pinsala nito at mapagplanuhan ang mga aksyong kinakailangang gawin upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente.

Ayon naman kay LDRRMO IV at PDRRMO Operation and Warning Division Chief Ram Joseph Temena, may bahagi pa rin ng apoy sa insidente na nananatiling aktibo dulot ng matinding init ng panahon, subalit inaasahang maaapula ito matapos ang ilang araw.

Aniya pa, walang naitalang nasaktan o kabahayang napinsala sa nasabing sunog na may lawak na limang kilometro.

Malayo rin ang naiulat na distansya ng nasabing insidente sa pinakamalapit na kabahayang tinitirhan ng mga katutubong Mangyan na tinatayang nasa 15km-20km ang pagitan.

Gayunpaman, nananatiling nakaantabay sa lugar ang BFP at nakahandang magsagawa ng fireline kung kinakailangan upang hindi na lubusang kumalat ang apoy at makapagdulot pa ng malawakang pinsala at panganib sa mga residente.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng nasabing sunog.

Alerto naman ang PDRRMO sa pamumuno ni PDDRM Officer Vinscent B. Gahol upang makapagbigay ng tulong sa pagsisigurong ligtas ang mga Bacoeรฑo.

Nanawagan din ang tanggapan sa publiko na tiyakin ang kaligtasan ng pamilya at iwasan ang pag-iwan ng mga bagay na maaaring pagmulan ng apoy lalo na ngayong panahon ng tag-init.

๐Ÿ“ธ: PDRRMO- Oriental Mindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/1ZfnzRc3wi/

Scroll to Top