Panalangin para sa kapayapaan ng mundo

April 7, 2026 | News by PISD

Panalangin para sa Kapayapaan ng mundo.

Amang mapagmahal, sa Iyo nagbubuhat ang kapayapaan at katotohanan. Igawad mo ito sa aming buhay, sa aming puso, at sa aming isipan, sapagkat alam namin na sa Iyo lamang ito makakamtan.

Sa kabila ng aming pag-aalinlangan,

punuin mo ng kapayapaan ang aming mga kaisipan at kalooban ng mga namumuno sa araw-araw. Ilayo mo ang lahat sa kapahamakan at gawin mo kaming instrumento sa pagsusulong din naman, ng kapayapaan sa buong mundo.

Amen.

Kailan man ay hindi dahas ang solusyon sa kapayapaan.

Sa ating mga kababayan sa Middle East, ingatan nawa kayo ng Panginoon.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Gu2ei2jkq/

Scroll to Top