Mas maayos na records management, isinusulong sa Kapitolyo

April 7, 2026 | News by PISD

07 Abril 2026, Lungsod ng Calapan – Upang palakasin ang kaalaman ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa tamang paghawak, pag-iingat, at pag-aayos ng mga opisyal na dokumento at rekord, isinagawa ngayong araw ang isang seminar sa Basic Records and Archives Management sa Tamaraw Hall ng Kapitolyo na pinangunahan ng Provincial General Service Office (PGSO).

Tinalakay rito ang kahalagahan ng maayos na records management upang mas mapabilis ang serbisyo sa publiko at mapanatiling ligtas ang mahahalagang papeles ng pamahalaan, alinsunod sa Republic Act 9470 o ang National Archives of the Philippines Act of 2007.

Pinamunuan ang aktibidad ni Vice Chairperson ng Basic Records Management Committee (RMIC) at OIC-PGSO Atty. Jean Phebie De Mesa katuwang sina Administrative Officer IV Rodel Atienza at Administrative Officer IV Ma. Jee Jean Amparo.

Nilhukan ito ng 108 mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan.

Samantala, tinalakay rin nina Manuel Garing, Administrative Aide IV at Harveey Venzar Atienza, Administrative Aide III ang kahalagahan ng Disaster Preparedness at Records Risk Management sa pangangalaga ng mga dokumento at rekord upang maitiyak na mapoprotektahan ang mahahalagang papeles sakaling magkaroon ng kalamidad o iba pang sakuna.

Source: https://www.facebook.com/share/p/18DEcmAhDo/

Scroll to Top