Kabundukan ng Brgy. San Ignacio, Baco ininspeksyon matapos ang naganap na sunog

April 7, 2026 | News by PISD

Kasama ang lokal na pamahalan ng Baco, isinagawa ngayong araw ang inspeksyon sa lugar na apektado ng naganap na sunog sa kabundukan ng Brgy. San Ignacio, Baco upang masuri ang lawak ng pinsala at matukoy ang kasalukuyang sitwasyon ng kabundukan.

Gamit ang drone, mas malinaw na naobserbahan ang kabuuang sitwasyon mula sa himpapawid, na nakatulong sa mas epektibong assessment at lawak ng pinsala.

Ayon sa paunang report ng BFP Baco, walang naitalang damage sa kabahayaan ang nasabing bush fire. Malayo rin ito sa mga kabahayan ng ating mga katutubong mangyan.

Patuloy ang ating koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan at agarang tulong para sa mga apektadong residente.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1B6cDPkjXg/

Scroll to Top