75 CSOs, tumanggap ng akreditasyon mula sa Sangguniang Panlalawigan

April 7, 2026 | News by PISD

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐’๐€๐๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐๐‹๐€๐‹๐€๐–๐ˆ๐†๐€๐

๐Ÿ•๐Ÿ“ ๐‚๐’๐Ž๐ฌ ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐š๐ค๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง

06 Abril 2026, Lungsod ng Calapan- Pinangunahan ni Vice Governor at SP Presiding Officer Atty. Antonio S. Perez Jr. katuwang si SP Committee on Cooperative Development, Non-Government Organizations and Peopleโ€™s Participation Chairperson Board Member Atty. Roland Ruga at iba pang mga Bokal, ang pagkilala at pagkakaloob ng Certificate of Accreditation sa 75 Civil Society Organizations mula sa unang distrito ng lalawigan.

Pinasalamatan ni Bise Gobernador Perez ang mga samahan at organisasyon sa patuloy na sumusuporta sa mga programa ng pamahalaan. โ€œAng pagkakaloob ng sertipiko ay magsisilbing inspirasyon upang kayo ay patuloy na makilahok sa pagpapatupad ng mga programa at polisiya ng Pamahalaang Panlalawigan.โ€

Ang mga samahang ito ay kinilala matapos makapasa sa itinakdang panuntunan ng DILG Memorandum Circular No. 2025-060. Sa bisa naman ng Provincial Resolution Nos. 7970-2025, 7971-2025, 7972-2025, 8014-2025, 8025-2025, 8083-2025, at 8132-2026, napagkalooban ng akreditasyon ang mga CSOs epektibo mula Oktubre 20, 2025 hanggang Hunyo 30, 2028.

Ang akreditasyong ito ay isang malaking hakbang upang masiguro ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpaplano para sa pagbuo ng mga patakaran sa pagpapaunlad ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0teWKPme8XstBnNtfNxghEWzEsCPYNUYr4E6pFuhBkzdkMATwWkXmMJDycnapgHZsl

Scroll to Top