April 5, 2026 | News by PISD

Upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng mga update at mahalagang impormasyon bilang gabay sa paglalakbay ngayong Semana Santa, isinagawa ang briefing para sa operational period mula alas 7:00 ngayong gabi hanggang ika-7:00 ng umaga bukas. Ilan sa mga binigyang pansin na gawain ay ang mga sumusunod:
1. Calapan Port – magdedeploy ng Patient Transport Vehicle (ambulance) sa loob ng Calapan Port upang matiyak ang probisyon ng agarang tulong-medikal kung kinakailangan. Gayundin, may team din na nakatalaga na i-monitor ang sitwasyon ng pantalan, lalong higit ang sitwasyon sa loob ng Passenger Terminal Building.
2. Mga simbahan, local resorts and beaches at iba pang lugar ng pagtitipon – magdedeploy din ng monitoring team sa iba’t-ibang lugar upang patuloy na subaybayan ang sitwasyon at tiyakin ang kaligtasan ng ating mga kababayan.
3. Emergency Operations Center – upang matiyak ang pagbibigay ng real-time updates sa ating mga kababayan, may mga nakatalaga ding personnel sa EOC na syang mamamahala sa pagcoconsolidate ng report mula sa iba’t-ibang Local DRRM Offices sa Oriental Mindoro at iba pang ahensya at paglalabas ng impormasyon para sa publiko.
Layunin ng briefing na matiyak ang maayos, organisado, at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko.
Patuloy ang panawagan sa lahat na makiisa at sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin para sa isang ligtas at mapayapang paggunita ng Semana Santa.
– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –
PDRRMO Oriental Mindoro Hotlines:
Operations and Warning Division
+(63) 948 146 0382
+(63) 920 951 3690
Administration and Training Division
+(63) 916 220 1847
Research and Planning Division
+(63) 948 154 1775
