April 5, 2026 | News by PISD

DEPLOYMENT NG SEA AMBULANCE
Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, muling naka-deploy ang sea ambulance sa mga dalampasigan ng Calapan City upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa patuloy na pagdagsa ng mga beachgoers.
Mahigpit na binabantayan ang mga baybaying dinarayo ng mga residente at turista
Nakaantabay ang medical team na handang rumesponde sa anumang insidente
Handa ang sea ambulance para sa agarang rescue at transport kung kinakailangan
Isinasagawa ang operasyon katuwang ang PNP, BFP, Coast Guard, at CDRRMD
Layunin ng deployment na mapanatili ang isang ligtas at maayos na pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay sa ating mga dalampasigan.
Pinapaalalahanan ang lahat na mag-enjoy nang responsable at sumunod sa mga safety protocols.
– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –
PDRRMO Oriental Mindoro Hotlines:
Operations and Warning Division
+(63) 948 146 0382
+(63) 920 951 3690
Administration and Training Division
+(63) 916 220 1847
Research and Planning Division
+(63) 948 154 1775
