CALAPAN PORT UPDATE: 5 Abril (4:45 PM)

April 5, 2026 | News by PISD

STATUS UPDATE: CALAPAN PORT

As of April 5, 2026 | 4:45 PM

TINGNAN: KASALUKUYANG SITWASYON

Bahagya nang bumababa ang bilang ng mga pasahero sa loob ng Passenger Terminal Building (PTB) ng Calapan Port kumpara sa mga nakaraang oras. Sa kasalukuyan, hindi na kasing siksikan ang loob ng terminal at unti-unti nang nababawasan ang mga naghihintay ng kanilang schedule ng biyahe, samantalang tumataas naman ang bilang ng mga sasakyan sa loob ng pantalan

🎟️ Patuloy pa rin ang operasyon sa mga ticketing booths, subalit unti-unti na ring humuhupa ang pila

🚗 Nananatili ang pila ng mga pribadong sasakyan at rolling cargoes sa marshalling area, ngunit mas maayos na ang daloy

🚑 Para sa mga pasaherong nangangailangan ng agarang tulong-medikal, nananatiling nakaantabay ang mga medic stations sa loob ng PTB upang agad na tumugon sa anumang pangangailangan.

📢 Pinapayuhan ang lahat na patuloy na maging mapagmatyag at sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin para sa isang ligtas at maayos na biyahe.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

📞 PDRRMO Oriental Mindoro Hotlines:

Operations and Warning Division

+(63) 948 146 0382

+(63) 920 951 3690

Administration and Training Division

+(63) 916 220 1847

Research and Planning Division

+(63) 948 154 1775

#resilientormin

Source: https://www.facebook.com/share/p/1LUqGdWnT8/

Scroll to Top