April 4, 2026 | News by PISD

04 Abril 2026, Pinamalayan – Pormal nang sinimulan ngayong araw ang kauna-unahang Mayor and Governor’s Intertown Softball Tournament sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Pinamalayan na ginanap sa Juan Morente Sr. Memorial Pilot School.
Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang kahalagahan ng larong softball na kinahihiligan ng marami. Bahagi rin ito aniya, ng mga paboritong laro noong siya ay Sangguniang Kabataan chairman kung saan nakapagdevelop ng magagaling na player sa larong ito. “Enjoy the games at ipakita ang inyong galing at disiplina sa bawat laban,” mensahe pa ni Governor Bonz sa mga manlalaro.
Maliban sa premyong ipagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan, magbibigay si Governor Bonz ng isang milyong halaga ng proyekto para sa magkakampeon sa naturang palaro.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Pinamalayan Mayor Rodolfo M. Magsino sa Pamahalaang Panlalawigan dahil sa malaking suportang ipinagkaloob upang maisakatuparan ang naturang kumpetisyon.
Narito ang mga kalahok na koponan:
1. Papandungin, Gloria
2. Bansud
3. Sta. Theresa, Gloria
4. Naujan
5. Tambong Spring Fuel, Gloria
6. Socorro
7. Roxas
8. Pinamalayan
Nakiisa rin sa gawain sina First Lady Hiyas Govinda Ramos- Dolor, Gloria Mayor Teresita Ong, Socorro Mayor Nemen Perez, Pinamalayan Vice Mayor Aristeo Baldos Jr. kasama ang mga myembro ng Sangguniang Bayan, mga kapitan ng barangay at iba pang mga opisyal.
