Gov. Dolor, nakiisa sa 2nd Grand Alumni Homecoming ng DYC National High School sa bayan ng Pola

April 4, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Nakiisa si Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor kasama ang kaniyang maybahay Hiyas Govinda Ramos-Dolor sa ginanap na 2nd Grand Alumni Homecoming ng Domingo Yu Chu (DYC) National High School sa bayan ng Pola ngayong araw, Abril 4.

“Mahalaga sa akin ang DYC sapagkat 30yrs ago, binuksan ito ni Superintendent Estrellita A. Dolor kung saan ako ang Chairman ng Sangguniang Panlalawigan Comittee on Education bilang Sangguniang Kabataan Provincial Federation President.”

Nagbigay si Governor Bonz ng P100,000 donasyon na pambili ng electricfan para sa naturang paaralan.

Samantala, kasama ring nakiisa sa naturang gawain si Pola Mayor Jennifer Cruz kasama ang iba pang mga opisyal ng bayan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Dt9peonyf/

Scroll to Top