PDRRMO, patuloy ang monitoring at koordinasyon sa mga ilog, inland resorts, at iba’t ibang aktibidad sa buong lalawigan ngayong Biyernes Santo

April 3, 2026 | News by PISD

Patuloy ang ating monitoring at koordinasyon sa mga ilog, inland resorts, at iba’t ibang aktibidad sa buong lalawigan ngayong Biyernes Santo upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

🌊 Mahigpit na binabantayan ang mga ilog at iba pang inland water areas na dinarayo ng mga residente at bisita

🏞️ Tinitiyak ang pagsunod ng mga resorts sa safety protocols at ordinansa

🎯 Patuloy ding mino-monitor ang iba’t ibang aktibidad at pagtitipon ngayong Biyernes Santo

👮‍♂️ Nakaantabay ang ating mga tauhan katuwang ang PNP, BFP at iba pang ahensya para sa seguridad at crowd management

🚑 May naka-standby na response at medical teams para sa agarang pagtugon sa anumang insidente

🤝 Patuloy ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at C/MDRRMO

Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat, umiwas sa mapanganib na gawain, at sundin ang mga alituntunin para sa isang ligtas at maayos na paggunita ng Semana Santa.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

📞 PDRRMO Oriental Mindoro Hotlines:

Operations and Warning Division

+(63) 948 146 0382

+(63) 920 951 3690

Administration and Training Division

+(63) 916 220 1847

Research and Planning Division

+(63) 948 154 1775

#resilientormin

Source: https://www.facebook.com/share/p/18Hu7mopeT/

Scroll to Top