Moriones Festival sa Oriental Mindoro

April 3, 2026 | News by PISD

𝗠𝗒π—₯π—œπ—’π—‘π—˜π—¦ π—™π—˜π—¦π—§π—œπ—©π—”π—Ÿ 𝗦𝗔 𝗒π—₯π—œπ—˜π—‘π—§π—”π—Ÿ π— π—œπ—‘π——π—’π—₯𝗒

Ito ay isang tradisyong nagsimula pa noong panahon ng mga Kastila bilang bahagi ng paggunita ng Semana Santa. Hango ito sa kuwento ni Longinus na isang sundalong Romano na nabulag at muling nakakita matapos matalsikan ng dugo ni Hesus na nasa krus.

Nag-ugat ang tradisyong ito sa Marinduque at kalauna’y isinasagawa na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Mayroong bersyon nito sa lalawigan ng Oriental Mindoro na kung saan ang mga kalahok ay nagsusuot ng mga makukulay at magagarang maskara at iba pang kasuotan na kumakatawan sa mga sundalong Romano na tinatawag na β€œπ— π—Όπ—Ώπ—Άπ—Όπ—»π—²π˜€,” mula sa salitang Kastila na 𝗺𝗼𝗿𝗢𝗼𝗻 𝗼 π—΅π—²π—Ήπ—Ίπ—²π˜.

Source: https://www.facebook.com/share/p/17vWHWzhc8/

Scroll to Top