April 2, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Sa bayan ng Pola, ang Moriones Festival ay makulay at taimtim na pagpapakita ng pananampalataya.
Kapansin-pansin dito ang mga maskarang tila may sariling buhay, may galit, lungkot, at tapang na nakaukit sa bawat anyo. Ngunit higit pa sa kanilang panlabas na anyo, may mas malalim na kahulugan ang pagiging isang Morion. Sa likod ng mga maskarang ito ng mga Morions ng bayan ng Pola, nakatago ang iba’t ibang kwento ng kanilang mga panata, mga personal na pangako kung bakit sila taunang nakikilahok sa selebrasyong ito.
Ang ilan ay nag-aalay ng panata bilang pasasalamat sa natamong biyaya, habang ang iba naman ay bilang paghingi ng kagalingan o katuparan ng kanilang mga kahilingan.
Sa Pola, ang Moriones ay hindi lamang isang palabas kundi isang buhay na tradisyon. Isang pagsasanib ng kultura, kasaysayan, at pananampalataya na patuloy na ipinapakita sa bawat henerasyon.
