April 2, 2026 | News by PISD

TINGAN: Ngayong Semana Santa, muling binigyang-buhay ang taunang Centurion Festival ng Pinamalayan, isang natatanging pagdiriwang kung saan nagtatagpo ang taimtim na pananampalataya at makulay na kultura ng mga Pinamalenyo.
Sa temang “Kalasag ng Pananampalataya, Kulay ng Pagkakaisa,” bawat sandali ng pagdiriwang na ito ay paalala ng sakripisyo, pananalig, at pagkakabuklod tuwing Mahal na Araw.
Taun-taon, pinapakita ng bayang ito ang kanilang debosyon sa pamamagitan ng masining na pagtatanghal at makukulay na kasuotan, isang tradisyong hango sa mayamang impluwensya ng Marinduque at pusong Pilipino.
