April 1, 2026 | News by PISD

STATUS OF CALAPAN PORT
As of April 1, 2026 | 10:00 AM
Ang mga pasahero ay nasa unang palapag ng Passenger Terminal Building (PTB). Sa ngayon, hindi pa ganoon karami ang bilang ng mga biyahero, subalit inaasahan ang pagdami ng mga darating na pasahero.
Inaabisuhan ang publiko na magtungo nang mas maaga sa pantalan at mahigpit na sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin.
Mga Paalala sa mga Biyahero:
Mag-register sa Online Reservation Assistance System (ORAS) upang matiyak ang maayos at episyenteng reservation process
Ipa-validate ang ORAS Pass nang hindi bababa sa tatlong (3) oras bago ang nakatakdang biyahe
Ihanda ang mga kinakailangang dokumento at sumunod sa mga anunsyo at kautusan ng kinauukulang awtoridad
May mga nakatalagang Help Desk ang PCBSI/PPA sa pantalan upang tumulong sa mga pasahero sa proseso ng pagrehistro sa ORAS (Online Reservation Assistance System). Ang lahat ay hinihikayat na makipagtulungan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa loob ng pantalan.
– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –
PDRRMO Oriental Mindoro Hotlines:
Operations and Warning Division
+(63) 948 146 0382
+(63) 920 951 3690
Administration and Training Division
+(63) 916 220 1847
Research and Planning Division
+(63) 948 154 1775
