March 31, 2026 | News by PISD


TINGNAN: Sa huling araw ng Marso na tinaguriang Women’s Month, opisyal nang nanumpa ang dalawang babaeng kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang mga bagong tungkulin.
Matapos ang isinagawang oath-taking ceremony sa harap ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, opisyal nang naitalaga bilang mga bagong hepe ng Kapitolyo sina 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗵𝗲𝘀𝗸𝗮 𝗟𝗮𝘂𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗟. 𝗙𝗲𝗿𝗮𝗿𝗲𝗻 na ngayo’y bagong Provincial Legal Officer (PLO) at 𝗘𝗻𝗣 𝗟𝗶𝗹𝘆 𝗠𝗮𝘆 𝗘. 𝗟𝗶𝗺 bilang bagong Provincial Government – Environment and Natural Resources Officer PG-ENRO).
Ang promosyong ito ay sumasalamin sa kanilang husay at galing bilang mga babae sa larangan ng pamumuno.
Pagbati kina Atty. Feraren at PG-ENRO Lily May!
