Pisikal at mental na kalusugan ng mga kawani ng PGOM, pinahahalagahan

March 31, 2026 | News by PISD

𝐏𝐢𝐬𝐢𝐤𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢, 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐡𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧

31 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Upang itaguyod ang mental health awareness para sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, isinagawa ngayong araw ang Social Media Impact on Mental Health Symposium na may temang “Rising awareness on social media usage ang mental well-being” na ginanap sa Kapitolyo.

Pinangunahan ang gawaing ito ng mga kawani ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) na pinamumunuan ni PHRM Officer Anna Marie DC Reyes sa pamamagitan ng Training, Education and Development Division.

Umabot sa 69 empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ang dumalo sa naturang gawain.

Ayon kay PHRM Officer Reyes, bahagi ito ng serye ng mga pagsasanay na ipinagkakaloob ng kanilang tanggapan upang tugunan ang pangangailangan sa mental health awareness ng mga empleyado. Binigyang-diin niya na mahalagang mabawasan ang negatibong epekto ng mga nababasa sa social media upang mapanatili ang pagiging positibo sa buhay at magkaroon ng maayos na disposisyon sa trabaho ang mga kawani.

Tinalakay ni Ms. Ramona C. Zimmermann, Rpsy, CHRA, ang konsepto ng digital wellness. Aniya, hindi lamang ito tungkol sa paglimita sa paggamit ng gadgets, kundi ang pagtitiyak na ang teknolohiya ay nakakatulong sa pisikal at mental na kalusugan ng mga indibidwal sa halip na magdulot ng pinsala sa kalusugan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BJ25gtSxw/

Scroll to Top