Pagtatayuan ng Regional Hospital sa OrMin., inispeksyon ni Gov. Dolor

March 31, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ, ๐—œ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ. ๐——๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ

31 Marso 2026, Calapan City – Personal na bumisita si Humerlito ‘Bonz’ A. Dolor sa dating lugar ng Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Brgy. Ilaya para inspeksyunin ang site na nakatakdang pagtayuan ng Regional Hospital sa lalawigan.

Kasama ni Gov. Bonz sa isinagawang site inspection sina Provincial Engineer Edylou Tejido, Architect Kathrina Atienza, Architect Cecil Fortu-Pascua, OMPH OIC Chief of Hospital at PHO II Dr. Cielo Angela A. Ante, Sangguniang Panlalawigan Board Members Alely Casubuan-Tan, BM Ryan Arago at BM Atty. Farrah Fay Ilano-Navarro at iba pang mga opisyal ng PHO.

Ito ay upang tiyakin ang maayos na pagpaplano at paghahanda ng lugar para sa itatayong pasilidad na magbibigay ng mas maayos at mas malawak na serbisyong pangkalusugan para sa mga Mindoreรฑo.

Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na maiangat ang serbisyong medikal at mas mapalapit ito sa mga higit na nangangailangang mamamayan ng Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1E8KwSWvGi/

Scroll to Top