Pagsusuri ng Local Level Plan Implementation sa Victoria at Naujan, isinagawa ng PHO

March 31, 2026 | News by PISD

๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ‘๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐„๐ฏ๐š๐ฅ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐‹๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐‹๐ž๐ข๐๐จ, ๐•๐ข๐œ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š ๐š๐ง๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐€๐ง๐ญ๐ข๐ฉ๐จ๐ฅ๐จ & ๐Œ๐š๐›๐ข๐ง๐ข, ๐๐š๐ฎ๐ฃ๐š๐ง, ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ

Sa ikalimang araw ng MELLPI Activity sa probinsya, nagtungo ang monitoring team sa ibaโ€™t ibang barangay upang ipagpatuloy ang pagsusuri at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na tagapagpatupad ng programang pangnutrisyon. Kabilang sa mga binisita ang Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa Brgy. Leido, Victoria at Brgy. Mabini, Naujan, gayundin ang Barangay Nutrition Committee (BNC) sa Brgy. Antipolo, Naujan.

Sa ginawang monitoring, masusing sinuri ang implementasyon ng mga programa sa antas-barangay, kabilang ang pagtutok sa mga serbisyong ibinibigay ng mga BNS at ang papel ng BNC sa pagpaplano at koordinasyon ng mga gawaing pangnutrisyon. Ipinakita ng mga lokal na opisyal at volunteers ang kanilang dedikasyon sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad, sa kabila ng ibaโ€™t ibang hamon.

Naging mahalaga rin ang palitan ng kaalaman at karanasan sa pagitan ng monitoring team at ng mga barangay, kung saan naibahagi ang mga mungkahi upang higit pang mapabuti ang implementasyon ng mga programa. Ang aktibong partisipasyon ng bawat isa ay patunay ng kanilang sama-samang hangarin na maisulong ang kalusugan at nutrisyon ng bawat pamilyang Oriental Mindoreรฑo.

.

.

.

.

๐‘ซ๐’‚๐’‰๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’๐’–๐’”๐’–๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ถ๐’“๐’Š๐’†๐’๐’•๐’‚๐’ ๐‘ด๐’Š๐’๐’…๐’๐’“๐’: ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’, ๐‘ณ๐’‚๐’Œ๐’‚๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’Š๐’๐’‚๐’ƒ๐’–๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’!

#phoormin

#HealthyOrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/1FAAqGjc98/

Scroll to Top