March 31, 2026 | News by PISD

LATHALAIN: ๐๐ ๐ ๐๐๐ฌ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ ๐๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐๐ซ๐ฎ๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐
31 ๐๐ข๐ณ๐ด๐ฐ 2026, ๐๐ถ๐ฏ๐จ๐ด๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ โ Sa gitna ng sakit dulot ng karamdaman, nagiging sandigan ng pag-asa para sa mga pasyente ang bagong gawang gusali ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH).
Sina Mark Mark Deon B. Menguita ng Canubing I, Calapan City at Ralph Lester Baynosa ng Lisap, Bongabong, ay ilan lamang sa mga kabataang kasalukuyang ginagamot dito.
Si Deon ay sumasailalim sa operasyon dahil sa fracture sa paa, habang si Ralph naman ay sa kamay.
Sa kabila ng kanilang pinagdaraanan, kapwa nila ibinahagi ang pasasalamat sa maayos na pasilidad at higit sa lahat, sa malasakit na ipinapakita ng mga medical staff.
โInaasikaso po kami ng maayos. Mabait ang mga nurse. Magaan sa pakiramdam lalo at bago, malinis ang kwarto sa kabila ng aming kondisyon at nararamdaman,โ anila.
Ganoon din ang naging karanasan ni Nelsie G. Famorcan, 53, mula sa Bagumbayan, Bongabong.
Aniya, malaki ang naitulong ng maaliwalas at bagong mga silid sa kanyang pagiging kumportable habang nagpapagaling.
Hindi rin maitago ang pasasalamat ni May Panganiban Rodil ng Happy Valley, Roxas, na ang kanyang ina ay kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Pinuri niya ang pagsisikap ni Gob. Bonz Dolor sa patuloy na pagnanais na higit na maisaayos ang pasilidad at mga serbisyong ipinagkakaloob ng OMPH.
Batid niya, aniya, na hindi ito madali para sa pamahalaan na may limitadong pondo. Pero nauunawaan niya at nararamdaman niya ang malasakit sa kanilang pasyente ng pamunuan ng ospital lalo at ilang linggo na rin siyang nanatili rito para bantayan ang mahal na ina.
โNapaka-accommodating at magagalang ng mga staff. Isang tawag lang, nandiyan agad ang mga nurse para umalalay,โ aniya, pa.
Samantala, nakipagkumustahan si Gob. Bonz sa mga pasyente at ipinaramdam sa mga ito ang kanyang malasakit at pagsisikap na maisaayos pa ang serbisyong maaaring ihatid ng OMPH sa mga pasyenteng Oriental Mindoreรฑo.
