Ilegal na droga, nasamsam ng mga awtoridad sa Puerto Galera

March 31, 2026 | News by PISD

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢.

Nakatanggap ng ulat mula sa mga Barangay Official ang Puerto Galera Municipal Police Station noong March 29, 2026 patungkol sa presensya ng pinagbabawal na gamot sa lugar. March 30, 2026, naglabas ng Seach Warrant ang Regional Trial Court, Branch 40, Calapan City upang umusad ang imbestigasyon sa nasabing lugar. March 31, 2026 isinagawa ng mga opisyal ng Puerto Galera Municipal Police Station katuwang ang PDEA MIMAROPA, sa tulong ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (ORMIN PPO), PNP Drug Enforcement Group (DEG), Regional Intelligence Division (RID), Regional Mobile Force Battalion (RMFB), PNP Maritime Group, at Philippine Coast Guard (PCG) ang operasyon.

Nasamsam ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu sa operasyon na kinalaunan ay nakumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na “shabu” matapos ang masusing eksaminasyon. Natagpuan din ang ilang mga kagamitan na pinaghihinalaang gamit sa paggawa ng pinagbabawal na gamot.

Maraming salamat sa mga opisyal ng barangay, Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga kawani ng Pamahalaan na naging daan upang maging matagumpay ang operasyon.

WALANG LUGAR SA ATING LALAWIGAN ANG ANO MANG URI NG PINAGBABAWAL NA GAMOT. Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa mabilis na pagtukoy ng mga sangkot sa mga gawaing ito.

Nanawagan tayo sa mga opisyales ng Barangay o komunidad na lumapit agad sa ating Kapulisan kung may impormasyon makakatulong sa pugsugpo sa pagkalat ng pinagbabawal na gamot sa lalawigan.

🖼️ PRO MIMAROPA

Source: https://www.facebook.com/share/p/18cC3Ae8j2/

Scroll to Top