Oriental Mindoro Provincial Hospital’s newly renovated Bldg. 3, pinasinayaan na

March 31, 2026 | News by PISD

𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐇𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥’𝐬 𝐍𝐞𝐰𝐥𝐲 𝐑𝐞𝐧𝐨𝐯𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝟑, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐍𝐚

31 𝘔𝘢𝘳𝘴𝘰 2026, 𝘓𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘊𝘢𝘭𝘢𝘱𝘢𝘯 – Pormal nang pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mas maayos at modernong Building 3 ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH), isang mahalagang hakbang upang higit pang mapabuti ang pasilidad at mga serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Magkakatuwang itong pinangunahan nina Governor Bonz Dolor, OIC Chief of Hospital at PHO II Dr. Cielo Angela Ante, Assistant Chief of Hospital Dr. Catherine Genabe, Sangguniang Panlalawigan Board Members Alely Casubuan-Tan, BM Ryan Arago at BM Atty. Farrah Fay Ilano-Navarro at iba pang mga opisyal ng OMPH.

Sa bagong renovated Building 3, nakatalaga ang medical ward at surgery-orthopedics ward na inaasahang higit na magbibigay ng mas maginhawang serbisyo sa mga pasyente. Mayroon itong kabuuang 35 rooms at 105 bed capacity. Maliban pa rito ang iba pang karagdagang kwarto para sa mga iba pang serbisyong pangkalusugan.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Cenon Garcia ng San Lorenzo Ruiz Parish ang pagbabasbas ng naturang pasilidad.

Samantala, pinagkalooban ng Ama ng Lalawigan ng personal hygiene kit ang mga naturang pasyente na sa kasalukuyan ay nailipat na sa naturang bagong pasilidad.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/14gXGs7RHdH/

Scroll to Top