March 30, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Nasa normal pang sitwasyon ang Balatero Port sa Puerto Galera kasabay ng unti-unti na ring pagdami ng mga dumating na biyahero nitong mga nakaraang araw ayon sa lokal na pamahalaan ng Puerto Galera.
Nakahanda naman ang pamunuan ng Balatero Port sa posibleng pagdagsa ng mga pasahero.
Nakaalerto ang LGU-Puerto Galera, PPA, Port Police kaagapay ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Highway Patrol Group (HPG) MDRRMO, at Provincial Veterinary Office (ProVet) upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa pantalan para sa isang ligtas na #SummerVacation2026 .
