‘Spend quality time with your Family’ tagubilin ni PA Turano sa mga kawani ng PGOM sa paggunita ng Semana Santa

March 30, 2026 | News by PISD

TINGNAN: “Spend quality time with your Family.”

Ito ang naging tagubilin ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan kaugnay ng pagdiriwang ng Semana Santa, sa ginanap na regular na Flag Raising Ceremony sa Bulawagang Panlalawigan sa Kapitolyo ngayong araw, Marso 30.

Binigyang diin din ni Provincial Administrator Turano na isantabi muna ang mga gawaing makasisira sa kalusugan tulad ng pag-inom ng alak sa halip ay maglaan ng oras sa pagbisita sa simbahan at iba pang lugar ng pagsamba upang manalangin ngayong panahon ng Semana Santa.

Samantala, bilang paghahanda sa mainit na panahon, inanunsyo rin ni PA Turano ang exemption sa pagsusuot ng prescribed uniforms para sa mga kawani ng Kapitolyo mula Martes hanggang Huwebes. Tuwing Lunes, isusuot pa rin ang green polo barong, black pants at shoes. Pinaaalalahanan din ang lahat ng mga empleyado na magsuot ng naaakmang damit pang-opisina at ng kani-kanilang ID sa loob ng Kapitolyo.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1QMRHS9YZd/

Scroll to Top