Pamilyang apektado ng nangyaring sunog sa Brgy. Lumangbayan, Calapan, nakatanggap ng tulong mula sa PGOM

March 30, 2026 | News by PISD

Nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog noong Marso 29, 2026 sa Sitio Calawang, Brgy. Lumangbayan, Calapan City.

Sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), namahagi ng food packs na naglalaman ng 25kg bigas, 20 corned beef, 20 sardines, at 15 twin packs ng kape, gayundin ng hygiene kits, para sa labing-anim (16) na pamilyang naapektuhan ng insidente. Tatlong (3) bahay naman ang tuluyang natupok ng apoy.

Ang agarang pagtugon na ito ay patunay ng patuloy na malasakit at pagkakaisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa oras ng pangangailangan.

Patuloy nating ipanalangin at suportahan ang mga pamilyang naapektuhan ng insidenteng ito.

Source: https://www.facebook.com/share/p/183SmR2vC2/

Scroll to Top