Mga kooperatiba, suportado ng Pamahalaang Panlalawigan

March 29, 2026 | News by PISD

𝗠𝗴𝗮 𝗸𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮, 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻

29 Marso 2026, Gloria – Ipinadama ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang matibay na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na pag-unlad ng mga kooperatiba sa lalawigan.

Kasabay ng isinagawang ika-6 na General Assembly Meeting, nakiisa si Gob. Dolor sa inagurasyon ng bagong motorpool ng Bongabong, Bansud, Gloria, Pinamalayan (BBGP) Transport Cooperative ngayong ika-29 ng Marso.

Ang pasilidad na ito ay tinatanaw na isang mahalagang tagumpay ng BBGP Transport Cooperative lalong higit sa pagpapalakas at pagpapalawig ng operasyon at serbisyo ng kanilang kooperatiba.

Patunay ito ng patuloy na pag-usbong ng mga kooperatiba sa Oriental Mindoro na nagsisilbing mahalagang bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan.

Apektado ang BBGP sa nangyayaring krisis sa suplay ng langis dahil sa nangyayaring sigalot sa pagitan ng mga nagtutunggaling bansa – Estados Unidos, Israel at Iran, lalo pa at ang ilan sa kanilang serbisyo ay nakatuon sa transportasyon. Dahil dito, nagbigay si Gob. Dolor ng paunang Php. 100,000 tulong pinansyal sa kooperatiba.

Nakiisa naman sa gawain sina Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor at Gloria Mayor Teresita “Tessie” Ong.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1E3xTzSWAX/

Scroll to Top