Mas komportableng pamilihan para sa Bansudeรฑos, kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan

March 29, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฑ๐—ฒรฑ๐—ผ๐˜€, ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

29 Marso 2026 โ€“ Mas komportable nang makapamimili at makapagtitinda ang mga Bansudeรฑos sa kanilang bagong pamilihan na kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ito ay matapos opisyal nang buksan ang bagong Bansud Public Market na kabilang sa โ€œOne Town, One Legacy Projectโ€ ng administrasyon ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ Dolor.

Ito ang kauna-unahang pamilihang bayan sa ikalawang distrito na mayroong escalator upang mas maging madali at komportable ang pamimili ng mga residente.

Inihayag naman ni Gobernador Dolor na simbolo ang proyektong ito ng kaniyang pagmamahal sa mga residente ng Bansud at pagtitiyak na buo ang kaniyang suporta sa nasabing bayan.

Nagkaloob din ang Gobernador ng Php490,000.00 para sa pagsasaayos ng daloy ng kuryente sa nasabing pamilihan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Bansud Mayor Ronaldo Morada sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang bayan na maisaayos ang pampublikong pamilihan na aniyaโ€™y dati lamang panaginip at ngayoโ€™y isa nang reyalidad.

Hinikayat din ni Bise Gobernador Antonio S. Perez, Jr. ang mga Bansudeรฑos na sama-samang magtulungan upang mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang nasabing pasilidad.

Pinangunahan naman ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Provincial Tourism Officer Dr. Dhon Stepherson Calda ang programa na sinuportahan nina First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Provincial IPMR at Sangguniang Panlalawigan Board Member Lagtum Pasag, Chief of Staff Nette Dela Cruz- Dalupan, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Bansud.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18WznSCRLh/

Scroll to Top