TRASS sa Socorro, pinasinayaan

March 28, 2026 | News by PISD

TRASS sa Socorro pinasinayaan

28 Marso 2026, Socorro – Sa layuning mas maiangat ang serbisyong panturismo ng lalawigan, pinasinayaan na ngayong araw ang Tourist Rest Area and Souvenir Stop (TRASS) sa Barangay Batong Dalig, Socorro.

Isa ito sa One Town, One Legacy Program ng administrasyon ni Gobernador Humerlito A. Dolor.

Ang pasilidad na ito ay magsisilbing pansamantalang pahingahan ng mga lokal at dayuhang turista sa lalawigan. Magbibigay rin ito ng pagkakataon na maipakilala ang mga lokal na produkto ng naturang bayan.

Pinangunahan ni Gob. Bonz at kaniyang maybahay Hiyas Govinda Ramos-Dolor, katuwang sina

Vice Governor Antonio S. Perez Jr. at Socorro Mayor Nemen Perez.

Ayon kay Gobernador Bonz, bahagi ito ng kaniyang programang pangkaunlaran na nakasaad sa kaniyang Papelita noong tumakbo siya bilang Gobernador noong 2019 na ngayon ay naisakatuparan na.

Samantala, inanunsyo ni Gobernador Bonz na simula Marso 29 ay bukas na ang TRASS Socorro at mapakikinabangan na 24/7.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1QYcS7VRpF/

Scroll to Top