TB Case Finding sa Pinamalayan, hakbang sa paglaban kontra tuberculosis

March 28, 2026 | News by PISD

𝐓𝐁 π€πœπ­π’π―πž π‚πšπ¬πž 𝐅𝐒𝐧𝐝𝐒𝐧𝐠 | 𝐏𝐒𝐧𝐚𝐦𝐚π₯𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐎𝐫𝐒𝐞𝐧𝐭𝐚π₯ 𝐌𝐒𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨

Matagumpay din na isinagawa noong Marso 19, 2026 sa Pinamalayan Covered Court ang TB Active Case Finding, isang mahalagang hakbang sa patuloy na paglaban sa tuberculosis at sa pagpapalakas ng kalusugan ng ating komunidad. Layunin ng aktibidad na maagang matukoy ang mga kaso ng TB upang agad itong magamot at maiwasan ang pagkalat nito sa mas maraming mamamayan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Municipal Health Office of Pinamalayan, Department of Health – Center for Health Development MIMAROPA, at Philippine Business for Social Progress, Inc., naihatid ang dekalidad at libreng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Pinamalayan at karatig lugar. Ipinapakita ng aktibidad na ito ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang kalusugan ng bawat isa.

Kabilang sa mga serbisyong naibigay ay ang libreng mobile chest X-ray na tumutulong sa maagang pagtukoy ng posibleng TB cases, gayundin ang libreng HIV screening at counseling upang mapalawak ang kaalaman at maiangat ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng regular na pagpapasuri at pag-aalaga sa sariling kalusugan.

.

.

.

.

π‘«π’‚π’‰π’Šπ’ π’‚π’π’ˆ π’Œπ’‚π’π’–π’”π’–π’ˆπ’‚π’ π’π’ˆ π‘Άπ’“π’Šπ’†π’π’•π’‚π’ π‘΄π’Šπ’π’…π’π’“π’: π’€π’‚π’Žπ’‚π’ π’π’ˆ π‘©π’‚π’šπ’‚π’, π‘³π’‚π’Œπ’‚π’” π’π’ˆ π‘²π’Šπ’π’‚π’ƒπ’–π’Œπ’‚π’”π’‚π’!

#phoormin

#HealthyOrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/16fdXXdXYz/

Scroll to Top