March 28, 2026 | News by PISD

πππ«ππ‘ ππ, ππππ | ππ ππππ’π―π πππ¬π π π’π§ππ’π§π ππ ππ«π π². ππ’π πππ§, πππ§ πππ¨ππ¨π«π¨, ππ«π’ππ§πππ₯ ππ’π§ππ¨π«π¨
Isinagawa noong Marso 18, 2026 sa Bigaan Covered Court, San Teodoro ang TB Active Case Finding bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng Lalawigan ng Oriental Mindoro laban sa tuberculosis at iba pang sakit na patuloy na nakaaapekto sa kalusugan ng komunidad. Layunin ng gawaing ito na maagang matukoy ang mga kaso ng TB upang agad na mabigyan ng kaukulang lunas at maiwasan ang patuloy na pagkalat nito.
Sa pagtutulungan ng San Teodoro Rural Health Unit, Department of Health – Center for Health Development MIMAROPA, at Philippine Business for Social Progress, Inc., matagumpay na naihatid ang mga libreng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng San Teodoro. Sa naturang aktibidad, naibigay ang libreng mobile chest X-ray na mahalaga sa maagang pagtukoy ng posibleng TB cases, gayundin ang libreng HIV screening at counseling upang mapataas ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng regular na pagpapasuri at wastong pangangalaga sa kalusugan.
Ang bawat pakikilahok ay patunay na sa pagkakaisa, makakamit natin ang isang mas ligtas, mas malusog, at mas matibay na komunidad para sa bawat Oriental MindoreΓ±o.
.
.
.
.
π«ππππ πππ πππππππππ ππ πΆπππππππ π΄πππ πππ: πππππ ππ π©ππππ, π³ππππ ππ π²ππππππππππ!
