Kauna-unahang sea vessel sa rutang Batangas–Pola vice-versa, nagsimula nang bumiyahe

March 28, 2026 | News by PISD

28 Marso 2026, Pola – Pormal nang binuksan ang kauna-unahang biyahe ng sea vessel na Island Water sa rutang Batangas–Pola vice-versa sa Port of Pola sa Barangay Tiguihan ngayong araw.

Pinangunahan ni Mayor Ina Alegre Cruz ang nasabing programa katuwang si Governor “Bonz” A. Dolor kasama ang kanyang may bahay First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, at Vice Mayor Dodjie Panganiban.

Malaking tulong ang bagong ruta upang mas mapabilis ang biyahe ng mga pasahero at pagdadala ng mga produkto mula Mindoro patungong Batangas at iba pang karatig lugar.

Dumalo rin sa programa ang mga opisyal ng Sangguniang Bayan Members, Barangay Captains, Philippine Port Authority, Philippine Coastguard, Department of Transportation at mga residente na nagpahayag ng suporta sa bagong serbisyong pandagat.

Sakay ng unang byahe ng Island-Water si Mayor Ina Alegre. Ang pamasahe mula Batangas papuntang Pola vice versa ay nagkakahalaga ng ₱1,000.

Inaasahang makatutulong ang nasabing ruta sa higit pagpapalakas ng kalakalan, turismo, at kabuhayan ng mga mamamayan sa bayan ng Pola at sa iba pang mga lugar sa lalawigan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1An2msptsM/

Scroll to Top