March 26, 2026 | News by PISD

Wellness Program para sa Empleyado, patuloy na ipinapatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan
26 Marso 2026, Lungsod ng Calapan – Isinasagawa ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM), sa pamamagitan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), ang libreng blood chemistry testing para sa mga empleyado bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng health and wellness program ng Pamahalaang Panlalawigan.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga kawani na mabantayan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng regular na pagsusuri. Mula pa noong 2015, tuluy-tuloy nang ipinagkakaloob ang libreng blood chemistry testing at urinalysis sa mga empleyado ng pamahalaan.
Kaagapay ng PHRMO ang Oriental Mindoro Provincial Hospital sa pagsasakatuparan ng programang ito.
(C) PGOM-PHRMO
Nasa comment section ang link sa orihinal na post ng PGOM-Phrmo.
