Pagpapalakas ng industriya ng sibuyas, isinusulong sa Bulalacao

March 26, 2026 | News by PISD

π‚π€ππ€π‚πˆπ“π˜ ππ”πˆπ‹πƒπˆππ† 𝐀𝐓 π‚πŽππ’π”π‹π“π€π“πˆπŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐎𝐍𝐈𝐎𝐍 𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄 π‚π‡π€πˆπ πƒπ„π•π„π‹πŽππŒπ„ππ“ πŸ§…

Isinagawa noong ika-25 ng Marso 2026 sa Bayan ng Bulalacao ang isang mahalagang aktibidad na may layuning palakasin ang industriya ng sibuyas sa Oriental Mindoro. Ang gawaing ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Bulalacao (LGU).

Dinaluhan ito ng iba’t ibang mga kalahok mula sa Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs), pati na rin ng mga kinatawan mula sa mga National Government Agencies (NGAs) tulad ng DA- HVCDP, DA- AMAD, DA- RAED NIA, BPI, at MinSU.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga stakeholder sa pamamagitan ng capacity building at masinsinang konsultasyon. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng competitiveness, sustainability, at profitability ng onion industry sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at pagbabahagi ng kaalaman, nabigyang-daan ang mas malalim na pag-unawa sa onion value chainβ€” mula produksyon hanggang merkado. Naging mahalaga rin ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang makabuo ng mga konkretong hakbang tungo sa mas epektibo at inklusibong pagpapaunlad ng industriya.

Bilang bahagi ng aktibidad, isinagawa rin ang pormal na turnover ng Onion Roadmap sa LGU Bulalacao bilang pagkilala sa bayan bilang top producer ng sibuyas sa Oriental Mindoro. Inaasahan na magsisilbi itong gabay sa pagpapatupad ng mga estratehiya at programa para sa patuloy na pag-unlad ng lokal na industriya ng sibuyas.

Patunay ang aktibidad na ito na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakikipagtulungan, kabilang ang mahalagang papel ng LGU Bulalacao, mas mapapalakas ang sektor ng agrikultura at masisiguro ang mas maunlad na kinabukasan para sa ating mga magsasaka ng sibuyas sa Oriental Mindoro.

Samantala, sa isang espesyal na pagpupulong ni Governor Bonz Dolor kasama si DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa Maynila sa parehong araw, humiling si Gov. Bonz ng karagdagang suporta sa binhi ng sibuyas at mga cold storage facilites para sa mga magsasaka at mangangalakal ng sibuyas sa Bulalacao. Bilang tugon, nangako si Sec. Laurel na ipagkakaloob ang nasabing tulong sa pamamagitan ng DA MIMAROPA.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1ANqcJc3VE/

Scroll to Top