March 26, 2026 | News by PISD

Sa pagtatapos ng buwan, muling nagbigay ng token ang PHRMO para sa Best Outfit of the Month at Most Active Participant of the Month bilang bahagi ng FitPro Challenge sa ilalim ng Health and Wellness Program ng Pamahalaang Panlalawigan.
Layunin ng nasabing programa na hikayatin ang mga kawani ng pamahalaan na mapanatili ang aktibong pamumuhay, mapabuti ang kanilang kalusugan, at mapalakas ang samahan sa loob ng iba’t ibang tanggapan.
Ginawaran si Miss Jing Manalo bilang Best Outfit of the Month, habang kinilala naman si Miss Jeanvy Garcia bilang Most Active Participant of the Month.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa kapakanan at kabuuang pangkalusugan ng mga kawani.
