26 na mag-aaral, nagtapos sa PCCDC

March 26, 2026 | News by PISD

26 NA MAG AARAL NAGTAPOS SA PCCDC

26 Marso 2026, Lungsod ng Calapan- Dalawampu’t anim na mag-aaral ang nagtapos sa Provincial Child Care Development Center (PCCDC) ngayong Marso 26 sa ginanap na ika-29 na Recognition Ceremony na may temang “First Step Towards a Brighter Future.”

Naging mga panauhing tagapagsalita sa programa sina Dr. Ralf A. Reyes mula sa batch 1997–1998 at John Christopher J. Manongsong mula sa batch 2002–2003 na isa nang ganap na Registered Social Worker.

Dumalo sa seremonya ang mga magulang at guro ng mga mumunting bata upang saksihan ang pagtatapos mula sa early childhood education program ng nasabing pasilidad.

Patuloy ang layunin ng programa na tulungan ang mga magulang na nagtatrabaho sa Kapitolyo na pagaanin ang kanilang responsibilidad sa pag-aalaga habang nagtatrabaho samantalang ang kanilang mga anak ay inaalagaan at sinasanay sa PCCDC.

Gayundin, ang mga batang mag-aaral ay tinutulungan para sa kahandaan ng mga ito sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral at tiyaking may matibay silang pundasyon sa kanilang edukasyon bilang future professionals.

Dinaluhan ito ni Provincial Administrator Atty. Ligorio Earl Turano II at PSWDO Provincial ECCD Focal Jannete Cielo bilang kinatawan ni PSWD Officer Zarah C. Magboo.

Abangan ang mga opisyal na larawan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CgphMQkwt/

Scroll to Top