March 26, 2026 | News by PISD

Cooperative Development Officers (CDOs) 1st Quarterly Meeting
March 26, 2026 | Matagumpay na naisagawa ang 1st Quarterly Meeting ng Cooperative Development Officers (CDOs) ng Oriental Mindoro ngayong ika-26 ng Marso 2026 sa SB Session Hall, Executive & Legislative Building, Municipal Hall Complex, Poblacion, Baco, Oriental Mindoro.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) sa pangangasiwa ni Orlando B. Tizon, PGDH-PCDO, bilang bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) sa ilalim ng direksyon ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor, at matagumpay na inihost ng Municipal Local Government Unit (LGU) ng Baco, sa pangunguna ni Mayor Allan (AR) A. Roldan, na nagpakita ng buong suporta sa sektor ng kooperatiba.
Mainit na tinanggap ng LGU Baco ang mga kalahok sa pangunguna nina Mayor Allan A. Roldan at Vice Mayor Brederick V. Castillo, kasama sina Kon. Arlene M. Pereña (SB Committee on Cooperatives Chairperson), Ms. Dyrin M. Politico (Program Manager, Municipal Agriculture Office), at Mr. Bejay C. Dimalibot (Tourism Officer). Ipinakita ng kanilang presensya ang malinaw na pagpapahalaga ng pamahalaang bayan sa pagpapaunlad ng kilusang kooperatiba.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa ng courtesy call ang PCDO Oriental Mindoro at mga CDOs kay Mayor Allan A. Roldan. Sa kanyang mensahe, kinilala ng alkalde ang mahalagang papel ng PCDO sa pamumuno ni Sir Tizon sa patuloy na pagpapalakas ng mga kooperatiba sa lalawigan. Ibinahagi rin niya ang magandang bunga ng buong suporta ng LGU sa sektor—mula sa iisang kooperatiba noong siya ay maupo bilang alkalde, ang Bayan ng Baco ay mayroon na ngayong labing-anim (16) na rehistradong kooperatiba, at may dalawa (2) pang kasalukuyang nasa proseso ng pagpaparehistro. Bilang patunay ng matibay na suporta, nagbibigay ang LGU Baco ng ₱100,000 financial assistance sa bawat bagong rehistradong kooperatiba, at ₱1,500 buwanang tulong sa mga rehistradong kooperatiba upang makatulong sa kanilang administrative at operational expenses. Ipinakita ng karanasang ito sa Baco na kapag buo ang suporta ng pamahalaang bayan sa sektor ng kooperatiba, nagkakaroon ng malinaw at konkretong pagbabago sa pag-unlad ng kilusan, hindi lamang sa aspeto ng organisasyon kundi maging sa pag-angat ng kabuhayan ng mga miyembro at pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.
Nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe sina Vice Mayor Brederick V. Castillo, Ms. Dyrin M. Politico, at Mr. Bejay C. Dimalibot, na nagpahayag ng patuloy na pakikipagtulungan ng LGU Baco sa PCDO at sa mga kooperatiba upang higit pang mapaunlad ang sektor.
Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Orlando B. Tizon, PGDH-PCDO sa LGU Baco, sa pangunguna ni Mayor “AR” Roldan, katuwang ang Municipal Cooperative Development Office sa pamumuno ni Ms. Ma. Mylene Q. Najito, para sa mahusay na pagho-host ng nasabing aktibidad at sa kanilang aktibong suporta sa mga programa para sa kooperatiba.
Ang quarterly meeting ay mahalagang bahagi ng pagpapatupad ng mandato ng PCDO sa Cooperative Institutional Development, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan ng PCDO, CDA, at mga CDO, pag-aayos ng koordinasyon, at pagkakahanay ng mga programa at inisyatiba upang maging mas sistematiko, matatag, at epektibo ang pamamahala ng mga kooperatiba sa buong lalawigan.
Dinaluhan ang pagpupulong ng mga CDO mula sa mga bayan ng Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Bansud, at Bulalacao, gayundin mula sa Calapan City. Nakibahagi rin si Atty. Richard E. Ilagan, Acting Supervising CDS/Legal Officer ng CDA MIMAROPA na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon sa lahat ng development partners.
