March 25, 2026 | News by PISD

ππ ππππππβπ πππππππππππππ, ππππππ πππππππππ πππ πππππ ππππππππππππ ππππππππππ ππππ ππ ππππππππππ-πππππ ππππππππππππ ππππππππ
March 24, 2026
Calapan City, Oriental Mindoro
Muling pinagtibay ang ugnayan ng mga Peopleβs Organizations (POs), Municipal Local Government Units, at Malampaya Foundation Inc. (MFI) sa pangangalaga ng karagatan at pagpapatupad ng mga sustainable livelihood at enterprise-based conservation projects matapos pormal na lagdaan ang 13 Joint Conservation Agreements noong Marso 24, 2026 sa Vencios Garden, Tawiran, Calapan City.
Layunin ng kasunduang ito na palakasin at pormal na pagtibayin ang umiiral na kooperasyon ng 13 Peopleβs Organizations mula sa mga bayan ng Baco, Bulalacao, Gloria, Pola, Puerto Galera, at San Teodoro. Nakatuon ang kasunduan hindi lamang sa epektibong pamamahala at pangangalaga ng mga Marine Protected Areas, kundi pati na rin sa mas sustinableng pagpapatupad ng mga livelihood projects na ipinagkaloob ng MFI.
Pinangunahan ang programa nina MFI Executive Director Karen H. Agabin, Provincial Agriculturist Christine M. Pine, at Dr. Sheila G. Vergara, kinatawan ng MFI Board of Trustees. Naging tampok sa aktibidad ang pagbabahagi ng mga kwento ng tagumpay mula sa mga POs ng anim na bayan, na nagpakita ng konkretong resulta ng sama-samang pagkilos sa konserbasyon.
Nagbigay rin ng suporta at mensahe ang mga lokal na opisyal at katuwang na organisasyon, na nagpatibay sa kahalagahan ng multi-sectoral collaboration sa pangangalaga ng yamang-dagat.
Ayon sa mga kalahok, ang pormal na paglagda sa kasunduan ay simbolo ng patuloy na pagkakaisa at kolektibong pananagutan ng mga stakeholder upang mapanatili ang kalusugan ng karagatan at likas-yaman, pati na rin ang patuloy na pagpapatupad ng mga proyektong nagtataguyod ng kabuhayan ng mga coastal communities. Binanggit din nila na mahalagang hakbang ito upang matiyak na mapapakinabangan pa ng susunod na henerasyon ang likas-yaman ng Oriental Mindoro.
Maraming salamat sa Malampaya Foundation Inc. (MFI) sa patuloy nitong suporta sa pagbibigay at pagpapaunlad ng mga proyektong nagtataguyod ng konserbasyon at kabuhayan, na nagpapatibay sa balanse ng proteksyon ng kalikasan at pag-unlad ng mga coastal communities sa lalawigan.
