PGOM, nakiisa sa paggunita ng World TB Day 2026

March 24, 2026 | News by PISD

𝐘𝐞𝐬! 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 𝐜𝐚𝐧 #ENDTB!

𝐘𝐞𝐬! 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨 𝐜𝐚𝐧 #ENDTB!

Ngayong ika-24 ng Marso, nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa paggunita ng 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐓𝐁 𝐃𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa temang “𝒀𝒆𝒔! 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔 𝒄𝒂𝒏 #𝑬𝑵𝑫𝑻𝑩!”

Sa isinagawang sabayang “𝑳𝒊𝒈𝒉𝒕 𝑼𝒑 𝑷𝑯 𝒇𝒐𝒓 𝑻𝑩” ng mga piling pampublikong lugar sa buong bansa, buong pagmamalaki nating pinailawan ang 𝑷𝒍𝒂𝒛𝒂 𝒅𝒆𝒍 𝑮𝒐𝒃𝒆𝒓𝒏𝒂𝒅𝒐𝒓 sa bilang simbolo ng ating matibay na paninindigan laban sa tuberculosis.

Patunay ito na ang bawat liwanag ay sumisimbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at patuloy na pagkilos tungo sa isang TB-free na komunidad.

#WorldTBDay2026#LightUpPHforTB#EndTB#OrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/1B2WyhjUp9/

Scroll to Top