March 24, 2026 | News by PISD

𝗠𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗥𝗢-𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝘁𝗮𝗴;
𝗦𝘂𝗿𝘃𝗲𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗺𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼𝗻, 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗻
Nagsagawa ng pagpupulong ngayong ika-24 ng Marso ang Regional Advisory Group for Police Transformation and Development (RAGPTD) na pinangunahan ni RAGPTD Chairperson Gobernador Humerlito A. Dolor.
Tinalakay rito ang mga naisakatuparan at napanagumpayan ng Police Regional Office – MIMAROPA sa nakaraang taong 2025.
Mahalaga ang gawaing ito upang matukoy ang mga kinakailangang programang higit pang pagtutuunan ng pansin ngayong taon.
Samantala, upang higit pang mapababa ang mga kaso ng kriminalidad sa buong rehiyong MIMAROPA, napagkasunduan ng konseho na higit pang paigtingin ang surveillance monitoring. Kaugnay nito, magpapasa sila ng isang resolusyon na nag-uutos sa lahat ng Local Business Licensing Unit na tiyaking mayroong maayos at gumaganang CCTV unit ang mga establisyamento bago bigyan ng permit para makapag-operate.
